Connect with us

Kasama sa A4 priority list sa vaccination program ng pamahalaan, inilabas na

Inilabas na ng (NEDA) ang listahan ng mapapabilang sa A4 o grupo ng frontline personnel sa essential sector na kasama sa priority list ng pamahalaan.

National News

Kasama sa A4 priority list sa vaccination program ng pamahalaan, inilabas na

Inilabas na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang listahan ng mapapabilang sa A4 o grupo ng frontline personnel sa essential sector na kasama sa priority list para sa COVID-19 vaccination ng pamahalaan.

Sa online press briefing, ipinaliwanag ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na ang A4 cluster ay binubuo ng economic sectors na madalas makisalamuha sa publiko.

Ito rin aniya ay mga sektor na kailangan para matiyak ang seguridad, consumer at worker safety at mga nagtatrabaho sa priority government projects.

Kasama sa A4 priority list o yung mga sunod na babakunahan matapos ang healthcare workers, senior citizens at may comorbidities ay ang mga sumusunod:

*A4.1 – Commuter Transport (Land, Air, And Sea), Including Logistics

*A4.2 – Frontline Government Workers In Justice, Security, Transport And Social Protection Sectors

*A4.3 – Public And Private Wet And Dry Market Vendors; Frontline Workers In Grocery, Supermarkets; Delivery Services

*A4.4 – Workers In Manufacturing For Food, Beverage, Medical And Pharmaceutical Products

*A4.5 – Frontline Workers In Food Retail, Including Food Service Delivery

*A4.6 – Frontline Government Workers

*A4.7 – Frontline Workers In Financial Services

*A4.8 – Teaching And Related Personnel In Medical And Allied Medical Courses Of Heis, Including Personnel Handling Laboratories

*A4.9 – Frontline Workers In Hotels And Accommodation

*A4.10 – Priests, Pastors, Religious Leaders Regardless Of Denomination

*A4.11 – Construction Workers In Government Infrastructure Projects

*A4.12 – Security Guards/Personnel Assigned In The Establishments, Offices, Agencies, And Organizations

*A4.13 – Overseas Filipino Workers Not Classified Above, And Scheduled For Deployment Within Two Months

Hinimok naman ni Edillon na ang establishments, agencies, and organizations (EAOS) na palawakin ang pagbibigay impormasyon sa kanilang mga manggagawa ukol sa vaccine deployment activities at iba pang procedures sa kani-kanilang respective Local Government Units (LGU).

Dapat rin mag-isyu ang EAOS ng certificate of A4 eligibility sa kanilang empleyado o manggagawa na kabilang sa A4 priority group.

Magiging parte naman ang media workers ng priority group para sa COVID-19 vaccination ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magiging parte ang media ng B classification kasama ang iba pang mangagawa ng bansa.

Ang mga sektor na kasama sa priority list ng pamahalaan para sa bakuna sa ilalim ng group B ay ang mga sumusunod:

*B1: Teachers, social workers

*B2: Mga kawani ng pamahalaan

*B3: Ibang essential workers

*B4: Socio-demographic groups

*B5: Overseas Filipino Workers

*B6: Other remaining workforce

Samantala, inilabas naman na ni Undersery Rosemarie Edillon ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang listahan ng subgroups na kasama sa 14 o ang mga grupo ng frontline personnel sa mga essential sectors na kasama sa prayoridad ng COVID-19 vaccination.

Ipinaliwanag ni Edillon na ang mga kasama sa A4 ay mga economic sectors na may mataas na lebel ng interaksyon o mataas na exposure sa publiko o nangangailangan masiguro ang kaligtasan ng mga konsyumer at manggagawa.

More in National News

Latest News

To Top