Connect with us

Karamihan sa mga alkalde ng NCR, nais pa rin manatili sa GCQ ang rehiyon

Nais pa rin manatali sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ng karamihan sa mga alkalde ng National Capital Region.

Metro News

Karamihan sa mga alkalde ng NCR, nais pa rin manatili sa GCQ ang rehiyon

Nais pa rin manatali sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang karamihan sa mga alkalde ng National Capital Region.

Ayon kay Metro Manila Council Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, hindi siya payag na luwagan ang mga restrictions gaya nang pagpayag sa mga batang may edad na 10 pataas na makalabas ng bahay.

Ani Olivarez, ito ay dahil sa bagong variant ng COVID-19 mula sa United Kingdom na narito na sa bansa.

Ayon naman kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, dapat na naka-base sa siyensa ang desisyon kung luluwagan na ba ang estado ng quaratnine sa NCR.

Hindi rin sang-ayon ang alkalde sa pagpapalabas ng mga bata may edad 10 pataas. Mas mainam pa na payagan ang mga itong pumasok sa eskwela kaysa sa mag-shopping.

Naniniwala naman si Navotas City Mayor Toby Tiangco na dapat ay ikonsidera pa rin ang kaligtasan ng publiko.

Samantala, payag rin sina San Juan Mayor Francis Zamora, Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na manatili muna sa GCQ ang Metro Manila.

Igagalang naman ni Pasig Mayor Vico Sotto kung anuman ang magiging desisyon ng national government hinggil dito.

More in Metro News

Latest News

To Top