Connect with us

Karagdagang suspensiyon ng VFA, welcome development sa mga mambabatas

Pagpapalawig ng VFA, welcome development sa ilang mambabatas

National News

Karagdagang suspensiyon ng VFA, welcome development sa mga mambabatas

Welcome development para kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang pagpapalawig ng Duterte administration ng 6 na buwan sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ito’y matapos muling ipagpaliban ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nais nitong pagbasura sa nasabing kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ayon kay Biazon na vice chairman rin ng House Committee ng National Defense and Security, mapapalawig pa ng hakbang ni Pangulong Duterte ang PH-US security partnership.

“The extension of the suspension of the termination for the purposes of evaluating the Visiting Forces Agreement (VFA) is a prudent decision on the part of the President, which will give a chance for the PH-US security partnership to continue and hopefully improve, ” saad ni Biazon.

Sinabi pa ng manbabatas na malaking tulong ito sa depensa ng Pilipinas sa gitna na rin nang nagpapatuloy na tensyon kontra China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Asahan na raw aniya na magiging aktibo ang US sa WPS sa ngalan ng Free and Open Indo-Pacific Strategy sa mga darating na panahon na malaking bentahe para sa bansa.

Pahayag pa nito, “This is significant in the light of the issues in the South Sea/West Philippine Sea involving Philippine interests. The US is expected to actively move in the region due to their Free and Open Indo-Pacific Strategy in the years to come, so our engagement with them has strategic importance.”

Welcome development rin ito para kay Deputy Speaker at 1-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero para magkaroon ng biletaral talks sa pagitan ng US at Pilipinas.

Sa ganitong paraan ay mapag-uusapan ang mga kondisyon na maaring makapagkasunduan ng dalawang panig.

“I welcome the extension of the VFA and I see this move as a way to create the space and conditions for bilateral talks on possibly a better arrangement and terms agreeable to both sides,” sabi ni Romero.

Dahil sa pagpapalawig, maaari na aniyang makabuo ng initial framework o guiding parameters para sa mas epektibong kasunduan ng dalawang bansa.

“The breathing space the extension creates could allow, for example, the initial framework or guiding parameters for the better arrangement.”

Ipinanawagan naman ni Romero na pag-aralan ang pagbuo ng peacekeeping alliance sa mga bansa sa western pacific o WestPac Alliance.

Isa aniya itong multinational organization na magbabantay laban sa marine life poachers, pirates, hijackers, illegal fishing at aatasang magbantay sa international waters at international airspace.

“I am suggesting would be a multinational organization against marine life poachers, pirates, hijackers, illegal fishing, and with a special mission in international waters and international airspace to protect marine habitats, the unimpeded migration of marine and bird life, and deep sea exploration expeditions, as well as the conduct of mishap investigations and rescue operations at sea and in the air.”

Aniya, matutugunan ng WestPac Alliance ang mga isyu sa pinag-aagawang teritoryo pati na ang isyu sa exclusive economic zones.

“I am hoping the governments in East Asia, the Pacific Island Nations, Australia, New Zealand and Southeast Asia will see this idea worth further study at least. ”

Welcome development naman para sa US Embassy ang pasya ni Pangulong Duterte sa isyu ng VFA.

Pahayag ng US Embassy, “Our alliance continues to contribute not only to the security of our two nations, but also strengthens the rules-based order that benefits all nations in the Indo-Pacific.”

More in National News

Latest News

To Top