Connect with us

Karagdagang 1.5M dosis ng Sinovac vaccine mula China, dumating na sa bansa

Pasado alas-7 ng umaga ay lumapag sa bay 49 sa (NAIA) Terminal-2 ang chartered flight kung saan lulan ika -9 na batch na 1.5 milyong dosis ng Sinovac vaccine.

National News

Karagdagang 1.5M dosis ng Sinovac vaccine mula China, dumating na sa bansa

Pasado alas-7 ng umaga ay lumapag sa bay 49 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-2 ang chartered flight ng Cebu Pacific Flight 5J 671 kung saan lulan ika -9 na batch na 1.5 milyong dosis ng Sinovac vaccine mula China.

Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking batch ng Sinovac vaccines na binili ng Pilipinas sa China.

Mahigit  5 milyong dosis na ng bakuna kontra COVID-19 ang dumating na  sa bansa.

Kabilang sa mga sumalubong sa bakuna sina DOH Sec. Francisco Duque, Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez , Presidential Protocol Chief Under Sec. Robert Borje, gayundin ang mga opisyal ng Office of the President at DOH officials.

Ang mga vaccines na dumating ay padadaanin sa proseso ng pag-disinfect bago isakay sa mga storage van at idederetso sa cold storage facility ng DOH sa Marikina City.

Matatandaan na unang dumating sa bansa ang donasyong Sinovac vaccine mula China, na nasa isang milyong dosis noong February 28 at March 24.

Sinundan ito ng nasa mahigit kalahating milyong dosis n bakuna ng Astrazeneca mula naman sa tulong ng Covax facility noong March 4 at 7.

Marso 29 naman nang dumating ang isang milyong dosis  na bakuna ng Sinovac na binili ng Pilipinas sa China.

Abril 11 at 12 nang dumating pa ang dagdag 1 milyong dosis ng biniling bakuna mula pa rin sa Sinovac.

Una na ring sinabi ni Inter Agency Task Force Chief Against COVID -19 Chief  Implementer Sec. Carlito Galvez na   sa buwan ng Mayo inaasahan ang pagdating sa bansa ng nasa apat na milyong dosis ng bakuna.

Kabilang dito ang mga bakuna mula sa Russian made Sputnik V vaccines, Sinovac at Gamaleya.

Sa buwan ng Hunyo ang posibleng pagdating naman ang  nasa 9-10 milyong dosis mula Moderna, Sinovac, Gamaleya, Astrazeneca at Pfizer mula sa Covax facility.

Inaashan naman ang pagdating ng  2 milyon dosis ng Astrazeneca vaccine.

 

 

More in National News

Latest News

To Top