Connect with us

Karagdagang ₱1.5 billion para sa LGUs na sinalanta ng bagyo, aprubado na ni Pang. Duterte

Arpubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-release ng ₱1.5 billion bilang karagdagang pondo para sa mga Local Government Unit na sinalanta ng bagyong Ulysses.

National News

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, iba pa ito sa ₱1.5 billion na rin na karagdagang pondo na binigay sa CALABARZON, MIMAROPA at Bicol na siyang sinalanta naman ng bagyong Quinta at Rolly.

” ‘Yung distribution ng mga augmentation fund na ibibigay po ninyo sa mga local government units. Hinihintay po nila ‘yan dahil po alam nila na tutugunan natin ‘yung pangangailangan nila. ‘pag naaprubahan po ninyo, bukas din mare-release po natin sa Bureau of Treasury iyong pera para magamit po nila kaagad. Kawawa talaga ‘yang…” saad ng pangulo.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ngayong araw na aprubado na ng pangulo ang naturang pondo.

Samantala, tiniyak naman ni Sec. Avisado na may sapat pang pondo ang bansa para sa pagaharap sa inaasahan pang bagyo na papasok sa bansa bago matapos ang taon.

Sa kasalukuyan aniya, aabot na sa ₱15 billion ang naidagdag na pondo para sa NDRRMC.

More in National News

Latest News

To Top