Connect with us

Kapakanan at karapatan ng mga OFW, tiniyak ng Pilipinas at Saudi Arabia

Tinalakay ng pinuno ng Pilipinas at Saudi Arabia ang patungkol sa Kafala system at karapatan ng mga Pilipino na makatanggap ng bakuna kontra COVID-19.

National News

Kapakanan at karapatan ng mga OFW, tiniyak ng Pilipinas at Saudi Arabia

Tinalakay ng pinuno ng Pilipinas at Saudi Arabia ang patungkol sa Kafala system at karapatan ng mga Pilipino na makatanggap ng bakuna kontra COVID-19.

Una rito, nagkausap sa isang telepono kamakailan sina Philippine President Rodrigo Duterte at Saudi Arabia Crown Prince at Deputy Prime Minister Mohammed bin Salman.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakatuon ang kanilang diskusyon sa pagpapalakas ng proteksyon sa mga manggagawang Pilipino sa Saudi at pagpapahalaga ng karapatan ng mga migrant worker.

Nagbigay katiyakan naman ang Saudi Crown Prince kay Pangulong Rodrigo Duterte na kanilang protektahan ang karapatan ng mga manggagawang Pinoy.

Sabi pa ni Roque, ang Saudi Arabia ay isa sa mga bansa sa Middle East na nagsusulong ng pagbabago sa Kafala system.

Sa ilalim ng Kafala system sa Middle East, ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) ay hindi basta-bastang makabiyahe o lumabas ng bansa, kung hindi ito papayagan ng kanyang employer.

Sinasabing maituturing na mapang-abuso ang ganitong sistema sa hanay ng OFWs.

Kasama ring tinalakay ang patungkol sa kooperasyon nila sa paglaban sa COVID-19.

Napagkasunduan nina Pangulong Duterte at Mohammed Bin Salman na kinakailangang makabuo ng isang sistema na magtitiyak na lahat ng mga bansa, mayaman man o mahirap, ay magkakaroon ng access sa COVID-19 vaccines.

Mababatid na mayroong mahigit 1.7 million documented OFWs sa Middle East kung saan lagpas 640,000 ay naalis sa trabaho sa kasagsagan ng pandemya.

More in National News

Latest News

To Top