KAPA fake news

KAPA founder Pastor Joel Apolinario na sangkot sa scam, arestado

National News Regional

Arestado na ang founder at presidente ng KAPA Community Ministry International Inc., na si Pastor Joel Apolinario.

Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Bernard Banac, nahuli si Apolinario ng mga miyembro ng Philippine National Police- Special Action Force (SAF) sa isang operasyon sa isang resort sa Sitio Dahican, Barangay Handayaman, Lingig, Surigao del Sur.

Sa paunang impormasyon naman mula sa Lingig Municipal Police Station, nagkaroon muna ng engkuwentro sa pagitan ng mga pulis at bodyguard ni Apolinario bago ito kusang sumuko sa mga awtoridad.

Bukod kay Apolinario, nasa 23 indibwal pa ang naaresto sa nasabing operasyon habang dalawa ang nasawi sa engkuwentro at isa ang nasugatan.

Sinabi pa sa report na may sniper din sa bahay ni Apolinario.

Nakumpiska rin mula sa crime scene ang 30 units M16 rifle; 2 units M4 rifle; 1 unit Garand rifle; 3 units 60 caliber machine gun; 1 unit 50 caliber sniper rifle; 3 units caliber 22 rifle; 1 unit carbine; 1 unit shotgun; 2 units RPG; 5 units caliber 45 pistol; at iba pang assorted ammunition.

Matatandaang nahaharap sa kasong syndicated estafa si ang KAPA founder na si Apolinario at anim pang opisyal dito.