Connect with us

Kandidatong papasok sa koalisyong 1Sambayan, tinawag na ulol ng dating senador

Tinawag na 'ulol' ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang mga kandidato o pulitikong sasanib sa koalisyong 1Sambayan.

National News

Kandidatong papasok sa koalisyong 1Sambayan, tinawag na ulol ng dating senador

Tinawag na ‘ulol’ ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang mga kandidato o pulitikong sasanib sa koalisyong 1Sambayan.

Ang sinabing ito ni Enrile ay kasunod ng pagtanggi ng ilang kandidatong inendorso ng naturang koalisyon kamakailanlang.

Tahasang sinabi ni Enrile na magaling lang na abogado si Justice Antonio Carpio na isa sa mga nagtatag ng 1Sambayan ngunit wala aniya itong karanasan sa pulitika.

Matatandaan na apat mula sa anim na kandidatong piniling i-endorso ng 1Sambayan para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa nalalapit na eleksyon ang tumangging sa naturang endorsement.

Kabilang na dito si Senadora Grace Poe, Batangas Representative Vilma Santos-Recto, Human Rights Lawyer Chel Diokno at Cibac Representatuve Eddie Villanueva.

Tanging tumanggap lamang sa endorsement ng 1Sambayan sina Vice-President Leni Robredo at dating Senador Antonio Trillanes.

More in National News

Latest News

To Top