Connect with us

Kamara, mas pagtutuunan ang economic provisions kaysa political ammendments

Mas pagtutuunan ng pansin ng Kamara ang economic provisions kaysa sa mga political ammendment.

National News

Kamara, mas pagtutuunan ang economic provisions kaysa political ammendments

Mas pagtutuunan ng pansin ng Kamara ang economic provisions kaysa sa mga political ammendment.

Maliban pa rito, magiging maingat ang Kamara pagdating sa usapin ng party list ng bansa.

Ito ang nais iparating ni Cong. Rufus Rodriguez sa panayam ng Sonshine Radio.

“There is a party list law, and that law can be amended to make sure na kung ano ba ang dapat gawin para sa mga marginalized talaga na sector, ‘yon ang dapat nating gawin through law, hindi constitution.”

Nilinaw din ni Cong. Rufus na nasa batas ang party list sa bansa at ito ay maari lamang amyendahan sa pamamagitan ng batas.

Binigyang diin din nito na sa ngayon mas inuuna ng Kamara na amyendahan ang mga economic provision.

Ani Cong. Rodriguez, pinaubaya na ng Palasyo ang usaping ito sa Kamara.

Sa ngayon, wala pang sapat na oras para pag-usapan ang mga political ammendments.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top