Connect with us

Kamara, isinusulong ang ₱5-B dagdag na pondo para sa kalamidad sa ilalim ng 2021 National Budget

Isusulong ngayon ng mababang kapulungan ng Kongreso ang ₱5 bilyong karagdagang pondo para sa kalamidad sa ilalim ng 2021 national budget.

National News

Kamara, isinusulong ang ₱5-B dagdag na pondo para sa kalamidad sa ilalim ng 2021 National Budget

Isusulong ngayon ng mababang kapulungan ng Kongreso ang ₱5 bilyong karagdagang pondo para sa kalamidad sa ilalim ng 2021 national budget.

Ito ay para sa nagpapatuloy na recovery at rehabilitation sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Sa pahayag ni House Speaker Lord Allan Velasco, nakatakdang ipanukala ng Kamara sa bicameral conference o bicam ang naturang allocation hike.

Paliwanag ni Velasco, naunang naipasa ang pambansang pondo sa mababang kapulungan bago pa ang pananalasa ng sunud-sunod na bagyong Quinta, Rolly at Ulysses na nag-iwan ng bilyon-bilyong pisong halaga ng pinsala at dose-dosenang nasawi.

Nilinaw ng house speaker na sa ilalim ng pambansang pondo, nasa ₱20 bilyon ang inilaan para sa calamity fund kung saan ang ₱5 bilyon dito ay para sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng Marawi City habang ang ₱6.25 bilyong dito ay para naman sa quick response funds ng ilang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Velasco ang natitirang ₱8.75 na bilyong pondo ang gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad at sakuna ngunit kulang pa aniya ito kahit sa rehabilitasyon lang ng Bicol Region na matinding tinamaan ng naunang bagyong Rolly.

More in National News

Latest News

To Top