Connect with us

Kamara, bubuo ng super committee na tutugon sa problema ng red-tape sa pamahalaan

Inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng House of Representaives ang house bill 7727 o ang 2021 National Budget na nagkakahalaga ng ₱4.5-T.

National News

Kamara, bubuo ng super committee na tutugon sa problema ng red-tape sa pamahalaan

Kinumpirma ni House Speaker Alan Peter Cayetano na bubuo ang Kamara ng isang super committee na siyang tutugon sa problema ng red-tape sa gobyerno.

Ang hakbang ay matapos makipagpulong kamakailan si Pangulong Rodrigo Duterte sa lider ng dalawang kapulungan ng kongreso.

Sinabi ni Cayetano na si House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez ang mangunguna sa super committee na bubuuin.

Tiniyak naman ni Romualdez na gagawa sila ng mga panukala na magpapa-angat sa buhay ng mga Pilipino.

Matatandaan na binanggit ni Pangulong Duterte sa Malakanyang meeting nito kina Speaker Cayetano at Senate President Tito Sotto III ang pagnanais nito na wakasan sa lalong madaling panahon ang red-tape.

More in National News

To Top