Connect with us

Kaligtasan ng publiko sa encounter sites, nais matiyak ni Mayor Belmonte

Kailangang maayos ang crowd management para maiwasan ang mga untoward incident sa encounter sites gaya nang nangyari sa Commonwealth Avenue noog Miyerkules para maprotektahan ang publiko.

Metro News

Kaligtasan ng publiko sa encounter sites, nais matiyak ni Mayor Belmonte

Kailangang maayos ang crowd management para maiwasan ang mga untoward incident sa encounter sites gaya nang nangyari sa Commonwealth Avenue noog Miyerkules para maprotektahan ang publiko.

Ito ang binigyang-diin ni City Mayor Joy Belmonte na base sa mga video sa shootout, makikita ang mga sibilyan na nakatayo sa encounter site o ilang hakbang lang ang layo mula sa mga nagrerespondeng pulis.

Kaya naman, makikipagpulong ang Quezon City Government sa mga opisyal ng Quezon City Police District (QCPD), mga barangay, QC department of public order and safety, QCDRRMO at iba pang relevant agencies.

Gayunman, binigyang diin ng alkalde na tungkulin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG),  National Bureau of Investigation (NBI) at Kamara na imbestigahan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at QCPD shootout at ipinauubaya na lamang niya sa joint inquiry team na matukoy ang mga detalye sa insidente at kung sino ang dapat managot.

Sa ngayon, sinabi ni Belmone na ang kanyang pangunahing concern ay kung bakit at paano nanganib ang buhay at kaligtasan ng mga sibilyan sa lugar dahil sa insidente.

Samantala, plano rin ng alkalde na makipagpulong sa mga business owners sa kahabaan ng encounter site para malaman kung paano matutulungan ang mga ito ng city government na maibalik ang kumpiyansa ng mga consumer sa lugar.

More in Metro News

Latest News

To Top