Ikinababahala na rin ngayon ng  Manila City Government ang kakulangan ng mga health careworkers sa lungsod ng Maynila

Kakulangan ng health care workers, ikinababahala sa lungsod ng Maynila

Metro News

Ikinababahala na rin ngayon ng  Manila City Government ang kakulangan ng mga health careworkers sa lungsod ng Maynila

Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas sa bilang ng COVID-19 cases sa lungsod dahilan para makapagpatayo na rin ng  mga mga pasilidad kontra COVID -19 ang lokal ng pamahalaan ng Maynila.

Ang panawagan ni Mayor Isko ay kasabay na rin sa  isinagawang pagpasinaya ng COVID-19 testing laboratory sa Sta.Ana Ospital ng Maynila

Ayon kay Manila City Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso, nasa 200 bawat araw ang kapasidad ng naturang laboratory para sa  proseso ng swab test.

Para sa alkalde ginawa ito dahil sa nakikita ang pagtaas ng bilang ng COVID-19  kayat  napakahalaga na mapalaganap ang pagsusuri o pagtest sa nakamamatay na sakit.

Bukas naman ang testing laboratory hindi lamang sa mga Manilenyo kundi pati na rin sa ibang siyudad sa Metro Manila

Ang COVID-19 bio molecular testing laboratory sa Sta.Ana Manila ay katuwang na rin ng Manila Infectious Diseases Control Center (MIDCC) sa pagpapagaling at upang mas mabilis  ang paggaling sa mga pasyenteng may COVID-19 sa lungsod

Ito na rin ang ika-19 na testing facility sa buong Pilipinas.

Ayon kay Director Sta.Ana Hospital Dr.Grace Padilla, ang PCR testing laboratory ay may laboratory information systems na mas mabilis,mabisa at de kalidad ang resulta.

Bubuksan naman ng 8 oras ang laboratoryo  mula Lunes hangang Biyernes.

Kahapon ay natanggap ng Sta.Ana hospital ang certificate to operate para sa COVID-19 testing laboratory mula sa Department of Health (DOH).