National News
Kabuuang halaga ng tulong sa mga apektadong pamilya ng bagyong Ulysses, ₱125.725 milyon na

Umabot na sa ₱125.725 milyon ang halaga ng natanggap na tulong para sa mga pamilyang matinding naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Ulysses.
Ito ang pinakahuling update mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Nakapagpalabas ng ₱77.9 milyon ang Department of Social Welfare and Development; ₱44.1 million ang mga local government units; ₱2.8 milyon ang naibigay ng mga private partners mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Bicol, Cordillera Administrative Region at National Capital Region; habang nasa mahigit ₱728,000 na halaga ng tulong naman ang naibigay ng mga non-governmental organizations at ng iba pang government organizations.
Sa pinakahuling datos ng NDRRMC, nasa mahigit 932,000 na pamilya o katumbas ng halos 4 milyong indibidwal ang kabuuang bilang ng mga apektadong pamilya mula sa mga nabanggit na rehiyon.
Nasa 73 katao na ang bilang ng mga nasawi, habang nasa 68 naman ang sugatan at 19 katao ang nawawala matapos ang pananalasa ng bagyo.
Umabot naman sa ₱4.2 bilyon ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura habang nasa ₱8.7 bilyon naman sa imprastruktura sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Mimaropa, Bicol, Cordillera at Ncr.
Pinabulaanan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang pagkakasangkot nito sa umano’y ‘Tongpats’ o...
Arestado ng pulisya ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Omar, Sulu. Ayon kay PNP...
Iminungkahi ni Deputy Speaker Bernadette Herrera-Dy sa Department of National Defense (DND) at sa Philippine Coast...
Pumangatlo sa posisyon ang Pilipinas sa South East Asian nations na may pinakamaraming doses ng COVID-19...
Regular na isailalim sa RT-PCR test ang mga pulis lalong-lalo na ang nagbabantay sa checkpoints sa...