Connect with us

Kabayanihan ng SAF 44, ginunita ngayong araw

Ginunita ngayong araw ang kabayanihan ng SAF 44,  ang mga miyembro ng PNP-Special  Action Force na napatay sa anti-terror raid sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25 taong 2015.

National News

Kabayanihan ng SAF 44, ginunita ngayong araw

Ginunita ngayong araw ang kabayanihan ng SAF 44,  ang mga miyembro ng PNP-Special  Action Force na napatay sa anti-terror raid sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25 taong 2015.

Sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, isang ceremonya ang isinagawa para sa kanilang kabayanihan.

Mamasapano clash - Wikipedia

Ang seremonya para sa Day of National Remembrance ng SAF 44 ay pinangunahan ni PNP Chief Police Major General Debold Sinas, SAF Director Brigadier General Bernabe Barba, NCRPO Chief Brigadier General Vicente Danao, at DPWH Secretary Mark Villar.

Kabilang sa seremonya ang wreath laying at pagbibigay ng gun salute.

Pebrero ng taong 2017 idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang January 25 bilang Day of National Remembrance para sa SAF 44.

Ang nasabing grupo ng pulis ay bahagi ng oplan exodus na magsisilbi ng arrest warrant laban kay Zulkifli Bin Hir, alias “Marwan,” at bomb-making expert Abdul Basit Usman na napatay sa operasyon.

Slain SAF men are heroes regardless where they are buried—Palace | Inquirer News

Bagamat 7 taon ng nakalilipas ay nananatili pa ring mailap ang hustisya para sa SAF 44.

Matatandaan na una nang ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft at usurpation of powers laban kay dating PNP chief Alan Purisima and dating SAF head Getulio Napeñas kaugnay sa 2015 incident.

Kasunod niyan ay ibinasura din ng Ombudsman ang parehong kaso laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III.

 

More in National News

Latest News

To Top