Connect with us

Kabataan Party-list , binira sa paninisi sa peace talks sa pagkamatay ni Absalon

Binira ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang Kabataan Party-list matapos nitong sisihin ang gobyerno sa pagkamatay ni Absalon.

National News

Kabataan Party-list , binira sa paninisi sa peace talks sa pagkamatay ni Absalon

Binira ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF 6-ELCAC) ang Kabataan Party-list matapos nitong sisihin ang gobyerno sa pagkamatay ng magpinsang Absalon.

Ayon kay Associate Prosecutor Flosemer Chris Gonzales,  spokesperson ng RTF 6-ELCAC, ang paninisisi ng Kabataan Party-list sa gobyerno ay isa lamang istratehiya para mabaling ang atensyon ng publiko at mabawasan ang negatibong reaksyon sa CPP-NPA-NDF.

Sinisisi ngayon ng Kabataang Party-list  ang pamahalaan dahil inayawan ang isinusulong nilang peace talks kaya nangyari ang naturang insidente.

Dahil dito, hinamon ni Gonzales ang tagapagsalita ng Kabataang Party-list  na tumigil na sa kasusubok na linisin ang pangalan ng CPP-NPA dahil lantad na sa taongbayan ang tunay na kulay at mga masamang gawa nito.

Aniya,  sila ay mga huwad na rebolusyonaryo at mga teroristang pumapatay ng mga sibilyan.

Kamakailan lang ay nakumpirma sa autopsy na namatay ang football player na si Kieth Absalon dahil sa hemmorhagic shock o kawalan ng dugo dahil sa tinamong sugat  mula sa pagsabog at baril habang si Nolven ay namatay dahil sa kawalan ng dugo dulot ng mga tama ng baril.

Ayon pa kay Gonzales, sa halip na magpaliwanag ay kondenahin na lamang nila ang CPP-NPA dahil kung hindi nila ito magawa ay magmumukhang pinoprotektahan nila ang teroristang grupo.

More in National News

Latest News

To Top