Connect with us

Kaayusan ng buong bansa, resulta ng Martial Law – Enrile

Kaayusan ng buong bansa, resulta ng Martial Law - Enrile

National News

Kaayusan ng buong bansa, resulta ng Martial Law – Enrile

Naging maayos at mapayapa ang buong bansa matapos ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos ang Martial Law.

Ito ang inihayag ni dating Senate president Juan Ponce Enrile na nagsilbi bilang justice secretary at defense minister sa ilalim ng Marcos administration.

Ayon kay Enrile, nagkaroon ng dramatikong pagbabago ang Pilipinas nang isailalim ito sa Martial Law lalo na sa unang tatlong taong na pagpapatupad nito.

Isa na aniya dito ang pagiging mas disiplinado ng mga tao sa kanilang komunidad, lumalakas ang piso, naging estabilisado ang ekonomiya, natigil ang mga labor strikes, nakontrol ang smuggling at naipatupad ang tamang pagbabayad ng buwis.

Kinumpirma din ni Enrile ang pagtatag ni dating Pangulong Marcos ng military courts para litisin ang mga kasong may kinalaman sa rebelyon, sedisyon, homicide murder, kidnapping, carnapping, smuggling, korupsyon, large-scale swindling, at ang importasyon, produksyon at pagbebenta ng iligal na droga.

Ayon kay Enrile, ang mga krimen na ito kapag napatunayan ay parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad ang naging kaparusahan.

Inihalimbawa dito ni Enrile ang kaso ng drug trafficker na si Lim Seng na nahuli at nilipat sa isang military court at pinarusahan sa pamamagitan ng firing squad.

Ani Enrile, ipinakita sa nangyari kay Lim Seng na seryoso ang Martial Law ng Marcos administration at ito aniya ang naging dahilan para manumbalik ang pagsunod at paggalang sa batas ng mga Pilipino.

Matatandaan na idineklara ni dating pangulong Marcos ang Martial Law dahil sa namamayagpag ang teroristang grupong Communist Party of the Philippines (CPP) na layong pabagsakin ang gobyerno ng Pilipinas.

More in National News

Latest News

To Top