Connect with us

Julian Ongpin na suspek sa pagpatay kay Bree Jonson, posibleng ilagay sa hold departure order

Julian Ongpin na suspek sa pagpatay kay Bree Jonson, posibleng ilagay sa hold departure order

National News

Julian Ongpin na suspek sa pagpatay kay Bree Jonson, posibleng ilagay sa hold departure order

Ikinokonsidera ng  Department of Justice (DOJ) na hilingin sa korte na mag-isyu ng precautionary hold departure order laban kay Julian Ongpin na anak ng bilyonaryo at negosyanteng si Roberto Ongpin.

Ito ay matapos na hiniling ng ina ng visual artist na si Bree Jonson na maglabas ng HDO ang DoJ dahil posibleng may kinalaman ito sa pagkamatay ng kanyang anak dahil ito ang huling kasama ni Jonson nung natagpuan itong walang malay sa isang hotel sa La Union.

Sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na handa silang hilingin ang HDO sa korte pero sa kasalukuyan anya ay nakailalim na si Ongpin sa immigration lookout bulletin matapos itong pansamantalang pinalaya ng local prosecutor habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Una diyan ay nakarekober ang mga pulis ng cocaine sa hotel room kung saan nanatili ang dalawa at ng isinalang si Ongpin sa drug test ay nagpositibo ito sa paggamit ng iligal na droga.

More in National News

Latest News

To Top