Cargo trucks na nagdadala ng primary goods, hindi dapat ma-delay-PNP

JTF COVID-19 shield, sinimulan na ang pagbuo sa barangay quarantine rules

National News

Sinimulan na ng Joint Task Force (JTF) COVID-19 Shield ang pagbuo ng guidelines para sa pagsusuot ng face mask at iba pang quarantine rules sa barangay-level bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ayon kay JTF COVID-19 Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, ang guidelines ay ipatutupad sa 42,000 barangay ng mga itatalaga nilang Quarantine Rules Supervisors (QRS) o PNP COVID focal persons.

Kabilang dito ang pagbabawal sa malaking pagtitipon tulad ng birthday at iba pang selebrasyon, pagbabawal sa pag-inom sa kalye, fiesta at sports competitions at iba pang aktibidad.

Binigyang-diin ni Eleazar ang mahigpit na pagpapatupad ng quarantine rules sa barangay sa gitna ng ulat na madalas na nalalabag ang panuntunan sa mass gatherings at physical distancing.

Nabatid na ang mga QRS o PNP COVID focal persons ang mangangasiwa sa mga barangay tanod sa pagpapatupad ng guidelines at obligado sila magsumite ng kanilang report.