Connect with us

Joma Sison, sinampahan ng kaso dahil sa pang-aabuso

Sinampahan ng kaso ng Criminal Investigation And Detection Group (CIDG) ang Communist Party of the Philippines Founder Joma Sison

National News

Joma Sison, sinampahan ng kaso dahil sa pang-aabuso

Sinampahan ng kaso ng Criminal Investigation And Detection Group (CIDG) ang Communist Party of the Philippines Founder Joma Sison at tatlo pang matataas na opisyal ng New People’s Army.

Ito ay dahil sa umano’y pangrerecruit sa isang menor de edad na sinasabing kalaunan ay inabuso.

Bukod kay Sison, kabilang sa mga opisyal ng npa na sinampahan ng kaso ay ang mga commander na sina Rey Dela Peña, Joel Caliwliw, at Redsa Balatan.

Ayon kay CIDG Director Major General Albert Ignatius Ferro, lumabag sina Sison at Redsa Balatan sa Republic Act 10364 o ang expanded anti-trafficking in persons act of 2012 at republic act 7610 o special protection of children against abuse, exploitation and discrimination act.

Bukod dito, nakapatong naman ang dalawang kaso ng rape kay Dela Peña habang apat na kaso naman ng rape kay Caliwliw.

Sa ngayon nananatiling nasa Netherlands si Sison habang nakakulong si Balatan sa Nueva Ecija Provincial Jail sa Cabanatuan City; si De la Peña naman sa Bambang Police Station sa Nueva Vizcaya; habang si Caliwliw naman ay sa BJMP provincial Jail sa Solano, Nueva Vizcaya.

 

More in National News

Latest News

To Top