Connect with us

Jollibee-BGC, isasara muna ng 3 araw matapos ang insidente ng ‘fried towel’

Jollibee-BGC, isasara muna ng 3 araw matapos ang insidente ng ‘fried towel’

Metro News

Jollibee-BGC, isasara muna ng 3 araw matapos ang insidente ng ‘fried towel’

Pansamantala munang ititigil ang operasyon ng isang branch ng Jollibee sa Bonifacio Global City kasunod ng isang insidente na nag-viral online.

Open Photo

Sa inilabas na statement ng Jollibee Foods Corporation ngayong Huwebes, sinabi nito na pansamantala munang isasara ang branch nito sa Bonifacio – stop over ng tatlong araw para i-review ang pagsunod ng naturang branch sa mga pamamaran ng kumpanya at para muling sanayin ang mga tauhan nito.

Saad ng Jollibee, maingat na binuo at sinunod ng kumpanya ang mga sistema ng paghahanda ng pagkain upang matiyak na makakapaghatid ito ng mahusay na kalidad na mga produkto at masiguro ang kasiyahan ng mga customer.

Mababatid na nagviral kamakailan ang post ng Facebook user na si Alique Perez.

Ayon kay Perez, nag-order siya ng fried chicken via delivery para sa kanyang anak.

Napansin niya na mahirap i-slice ang “manok” at nang sinubukan niya itong buksan laking gulat niya dahil tuwalya pala ito na pinahiran ng breading at dineep fried.

Dagdag ni Perez nangamngamba ito na maaaring na-contaminate ng piniritong towel ang pinaglutuang mantika.

Maaaring maraming manok na rin aniya ang nailuto gamit ang naturang mantika at contaminated.

Saad ni Perez, buong akala niya dati ang mga post patungkol sa mga taong nagrereklamo tungkol sa mga kakaibang bagay sa kanilang mga nao-order ay pawang gawa-gawa lamang.

Continue Reading

More in Metro News

Latest News

To Top