Connect with us

Janssen pharmaceuticals, sinimulan na ang clinical trials para sa COVID-19 sa bansa

Kinumpirma ni Department of Science and Technology (DOST) na nag umpisa na ang lokal na klinikal na pagsubok ng Janssen pharmaceuticals para sa coronavirus disease o COVID-19 dito sa bansa.

National News

Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevara sa isang media forum, saklaw ng trial proper ang pagsasagawa ng patient screening, recruitment, at ang mismong pagbabakuna.

Hindi naman ibinahagi pa ni Guevarra ang partikular na detalye gaya ng bilang ng participants sa naturang clinical trial.

Aniya, tanging ang product developer lamang ang maaaring maghayag kaugnay dito.

Gayunpaman, binanggit ni Guevara na sa Metro Manila ang lokasyon o trial sites para sa klinikal na pagsubok.

Noong nakaraang taon, inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) na magsagawa ng local clinical trials sa bansa Ang Belgium-based firm Janssen Pharmaceuticals, na pagmamay-ari ng U.S. multinational company na Johnson & Johnson.

Sa kabilang banda, inilahad ng DOST na nagpapatuloy ang paghahanda para sa clinical trial sites ng Clover Biopharmaceuticals at Sinovac Biotech ng China.

Mababatid na inaprubahan na rin ng FDA ang aplikasyon para sa clinical trial ng COVID-19 vaccine ng dalawang Chinese companies.

More in National News

Latest News

To Top