Connect with us

Janet Napoles, nagbigay umano ng pera kay Gordon para sa pangangampanya nito

Nakatanggap ng pera mula kay Janet Lim-Napoles si Senator Richard Gordon para sa pangangampanya nito sa pagka-presidente noong 2010.

National News

Ito ang patanong na pasabog ng tinaguriang ‘pork barrel scam’ queen na si Napoles na ngayon ay nakakulong dahil sa kasong plunder.

Sa panayam ni Senatorial aspirant Atty. Larry Gadon kay Napoles, inilahad nito ang pagbibigay ng kontribusyon para sa kandidatura ni Gordon kung saan tinanong ang senador kung naisama ba ang kanyang kontribusyon sa campaign espenses na inireport nito sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Kaugnay naman sa tanong kung inamin ba ni Gordon sa publiko na kilala nito si Napoles, hindi naman matiyak nito kung inamin ba siya ng senador.

Matatandaan na kamakailan lang ay inihayag din ni Napoles na nabigyan din nito ng pondo para sa kampanya si Senator Franklin Drilon na itinanggi naman ng senador at sinabing hindi nito kilala si Napoles.

More in National News

Latest News

To Top