Connect with us

Ivermectin, mataas ang demand rate ayon sa FDA; sisimulan ang clinical trials laban sa COVID-19 sa Hunyo

Aarangkada na sa Kamara ang imbestigasyon laban sa Food and Drug Administration (FDA) matapos nitong ipagbawal ang paggamit ng Ivermectin sa bansa.

National News

Ivermectin, mataas ang demand rate ayon sa FDA; sisimulan ang clinical trials laban sa COVID-19 sa Hunyo

Hindi maikakailang may demand sa paggamit ng Ivermectin laban sa COVID-19.

Ito, ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director Eric Domingo matapos inihayag na ginagamit talaga ng mga tao ang naturang anti-parasitic drug para sa COVID-19 patients.

Dahil dito, ibinahagi ni Domingo na magsisimula na sa Hunyo ang recruitment ng participants para gagawing clinical trial ng Ivermectin at inaasahan nilang makukuha ang resulta matapos ang 4 hanggang 5 buwan.

Samantala, muling binigyang-diin ni domingo na wala pang sapat na datos sa ngayon na siyang magrerekomenda sa Ivermectin na gamitin laban sa COVID-19.

 

 

 

More in National News

Latest News

To Top