Showbiz
Ivana Alawi, tinanghal bilang isa sa “100 Most Beautiful Faces in the World”
Muli na namang hinirang si Ivana Alawi bilang isa sa mga may pinakamagandang mukha sa buong mundo.
Batay sa inilabas na listahan ng TC Candler at Independent Critics sa kanilang youtube channel, nakuha ni Ivana ang ika-apat na pwesto ng “100 Most Beautiful Faces”.
Hindi naman nagpahuli ang ibang Filipina beauties kagaya ni Liza Soberano, na nakapasok sa top 18, si Janine Gutierez sa top 78 at maging si Bella Porch, na isang Filipino-American singer at Tiktok star sa top 95.
Samantala, hinirang naman si Lisa Manoban ng K-pop group na Black Pink bilang top 1 sa listahan.
Pasok din sa top 10 sina:
Emilie Nereng, isang Norwegian Blogger
Halima Aden, Somali-American Model
Nancy Jewel Mcdonie, member of K-pop group Momoland
Yael Shelbia, Israeli Fashion model
Tzuyu (chou tzu-yu), member of K-pop group Twice
Lyodra Ginting, Indonesian singer
Jasmine Tookes, former Victoria’s Secret Angel
Nana (Im Jin-An), South Korean singer
Matatandaang nakuha ni Ivana ang pang 11th place sa listahan ng may pinakamaggagandang mukha noong nakaraang taon.
Ang 100 most beautiful faces list ay inilalabas taon-taon ng TC candler at The independent Critics simula pa noong 1990.