Italy, naungusan ang China sa may pinakamaraming nasawi dahil sa COVID-19

Italy, naungusan ang China sa may pinakamaraming nasawi dahil sa COVID-19

COVID-19 UPDATES

Naungusan na ng bansa Italia ang China sa may bilang ng nasawi dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Batay sa tala ng Italian Civil Protection Agency, umakyat nasa 3,405 ang nasawi sa bansa dahil sa naturang sakit.

Mas mataas ito sa 3,249 na death toll sa China na sentro ng COVID-19.

Sa ngayon, umabot nasa 41,035 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Italy kung saan 4,440 dito ang nakarekober na.