Connect with us

Israel magpapadala ng mga vaccination experts sa Pilipinas

Israel magpapadala ng mga vaccination experts sa pilipinas

Health

Israel magpapadala ng mga vaccination experts sa Pilipinas

Nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong Hunyo 20 ang tatlong experto mula sa ministry of health ng Israel para tutulong sa vaccination effort ng bansa kontra COVID-19.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr, kanilang pag-uusapan ang mga estratehiya para sa vaccine deployment, ang transition sa new normal at pagtugon sa vaccine hesitancy ng mga mamamayan.

Idinagdag din ni Galvez na target ngayon ng bansa na gamitin ang mga hakbang ng israel para mahikayat ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19.

Partikular na dito ang pagbibigay ng mga insentibo sa mga nagpapabakuna at pagtatakda ng restrictions sa mga wala pang bakuna.

Ang mga hakbang na ito aniya ng Israel ang unti-unting nagpapabalik sa kanilang bansa sa normal.

Matatandaan na noong Abril 18 ay opisyal na tinanggal ng Israel ang kanilang outdoor face mask policy matapos mabakunahan kontra COVID-19 ang mahigit sa kalahati ng populasyon nito.

Kaugnay nito, posibleng luluwagan ang health restrictions sa mga indibidwal na nakatanggap na ng bakuna kontra COVID-19. 

Ayon kay  Galvez, ginagamit aniya itong stratehiya sa bansang Israel kung saan naging epektibo ito at pumayag na silang nagpabakuna.

Habang lilimitahan naman ang galaw ng mga hindi pa nababakunahan at mahigpit na sumunod sa health protocols.

Sa ngayon,hindi na obligadong magsuot ng face mask matapos mabakunahan ang mahigit sa kalahati ng populasyon ng Israel.

 

 

More in Health

Latest News

To Top