Connect with us

Isasagawang imbestigasyon sa massive flooding sa Cagayan Valley, welcome sa NIA

Tumaas pa ang halaga ng pinsala ng Bagyong Ulysses sa Luzon.

National News

Isasagawang imbestigasyon sa massive flooding sa Cagayan Valley, welcome sa NIA

Walang nakikitang problema ang National Irrigation Authority (NIA) sa isasagawang imbestigasyon ng mababang kapulungan kaugnay ng naganap na massive flooding sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

Ang usapin ay may kinalaman sa pagbubukas ng mga spillway gates ng Magat Dam sa panahon ng pananalasa ng Bagyong Ulysses nitong nakaraang linggo.

Mababatid na magsasagawa ang Kamara ng imbestigasyon, in aid of legislation, sa malawakang pagbaha na nagpalubog sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela pagkatapos ng paghagupit ng nagdaang bagyo.

Naghain sina Speaker Lord Allan Velasco, kasama sina Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at Minority Leader Joseph Stephen Paduano, nitong Lunes ng House Resolution No. 1348 na nag-aatas sa kaukulang komite na gumawa ng pagsisiyasat.

Sa laging handa public briefing, sinabi ni NIA Administrator Ricardo R. Visaya na mas maganda na rin na magkaroon ng imbestigasyon kung saan oportunidad para sa kanila upang ma-review ang lahat.

Paliwanag ni Visaya,”Maganda na rin at gusto namin, para sa susunod ay wala nang mangyari na ganito. This is an opportunity for us to review everything – Actually, ready naman po kami. Ipapakita namin kung anong ginawa namin because that is well-documented, ‘yung mga actions taken by the reservoir and reservoir dam division sa Magat.”

Sa update naman ng NIA, As of 10 o’clock kaninang umaga, ang water level ng Magat dam ay nasa  191.93 meters above sea level, ibig sabihin, mas mababa na sa spilling level.

Pero ani visaya, malakas pa rin ang inflow o agos ng tubig na nanggagaling sa 8 tributaries, 5 sa Nueva Vizcaya at 3 sa Ifugao.

Dagdag pa ni Visaya, mayroon pa ring isang gate na nakabukas at 2 meters at nagpapalabas ang NIA ng tubig na nasa 646 cubic meters per second pagdating sa pagre-release ng tubig mula sa dam, ipinaliwanang ni Visaya na  mayroon silang protocol na ginagamit mula noong 2006 pa.

Nakalagay roon na ang pagpapalabas ng tubig ay manggagaling sa PAGASA at sasabihin sa NIA na nasa preemptive na at kailangan nang mag-release ng tubig.

Samantala, ibinahagi naman ng NIA administrator na oras-oras ang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap nila sa project manager ng Magat Reservoir Irrigation System kung saan binibigyan ito situation update.

Una na ring binigyang-diin ng NIA na nasunod nila ang lahat ng protocol sa pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam, kasama na dito ang babala sa mga maaapektuhan ng pagbubukas ng mga gate sa dam.

Sa inilabas na pahayag ng ahensya, nakasaad na dalawang araw bago ang pananalasa ng bagyong Ulysses ay nag-isyu na sila ng warning sa mga lokal na pamahalaan na malapit sa Cagayan River at Magat River.

Inihayag naman ni Administrator Visaya na ang Angat dam ay hindi under ng NIA, kundi ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng  National Power Corporation.

 

More in National News

Latest News

To Top