Connect with us

Isang religious organization, kasamang nagbibigay ng pondo sa NPA

Kasama ang Rural Missionary of the Philippines na nagbibigay ng pondo sa makakaliwang grupo.

National News

Isang religious organization, kasamang nagbibigay ng pondo sa NPA

Kasama ang Rural Missionary of the Philippines na nagbibigay ng pondo sa makakaliwang grupo.

Ito ang isiniwalat ni National Security Adviser Hermogenes Cendaña Esperon Jr. Sa panayam ng Sonshine radio matapos na ideklara ng Anti-Terrorism Council o ATC ang CPP-NPA bilang isang teroristang grupo.

Sinabi pa ni Esperon na 70% na mga NPA sa Mindanao ay nangagaling sa mga katutubo na nag-aaral sa mga Salugpungan school.

Ang Rural Missionary of the Philippines ay isang religious organization na para umano sa mga mahihirap sa bansa ngunit ang mga pondong nalilikom ay napupunta sa NPA.

Sinisiyasat na ngayon ng pamahalaan ang iba pang ginagamit na accounts ng mga makakaliwang grupo na nakapangalan sa front nilang organisasyon.

Inaprubahan na rin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang order na i-freeze ang lahat ng bank accounts ng miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) at iba pang mga grupo na idineklara ng Anti-Terrorism Council (ATC) bilang terrorists group.

Ito ay kasunod ng anunsiyo ni Justice Secretary Menardo Guevara nitong Linggo, Disyembre a-27.

Alinsunod sa Anti-Terrorism Act of 2020, maaaring mag-order ng 20-day freeze ang AMLC sa mga sumusuporta sa terrorist acts at mga aktibidad nito.

Bukod dito, nitong nakaraang 2017, nag-isyu naman ng proclamation si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng terrorism financing prevention and suppressing act of 2012 kung saan nakapaloob dito na ang CPP at NPA ay isang organisasyon ng mga komunista.

 

More in National News

Latest News

To Top