Connect with us

Isang pulis na sangkot sa robbery-extortion, arestado

Arestado ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement  Group sa entrapment operation ang isang pulis na sangkot sa robbery-extortion sa barangay Napindan, Taguig City.

Metro News

Kinilala ang akusadong pulis na si Police Staff Sergeant Carlo Marsaba Sison na nakatalaga sa Tipas police substation.

Ayon sa PNP-IMEG, huli si Sison sa aktong tumatanggap ng ₱15,000 cash mula sa complainant.

Batay sa mga pulis, humingi ng ₱15,000  si Sison sa complainant kapalit ng pag-alis sa pangalan nito sa umano’y listahan ng mga suspected drug personality.

Nakumpiska naman sa suspek ang kanyang PNP-issued glock 17 semi-automatic pistol; ₱15,000 cash na ginamit bilang marked money at dalawang mobile phones.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP-Imeg ang pulis at ipinag-utos na ni National Capital Region Police Office Acting Director Police Brigadier General Vicente Danao ang pagdis-arma dito.

Sasampahan naman ang suspek ng criminal at administrative charges. https://credit-n.ru/order/kreditnye-karty-citibank.html

Continue Reading
You may also like...

More in Metro News

Latest News

To Top