Connect with us

Isang oral antiviral drug, nasa ikatlong phase na ng clinical trials sa paggamit sa COVID-19

Isang oral antiviral drug, nasa ikatlong phase na ng clinical trials

National News

Isang oral antiviral drug, nasa ikatlong phase na ng clinical trials sa paggamit sa COVID-19

Pumasok na sa ikatlong phase ng clinical trials ang Molnupiravir – isang oral antiviral drug na ginawa ng Ridgeback Biotherapeutics Lp at Merck & Co. – na maaaring inumin ng mga pasyenteng symptomatic matapos magpositibo sa COVID-19.

2 pasyente ngayon sa Lung Center of the Philippines (LCP) ang sumailalim sa naturang trial.

Kabilang sa mga kwalipikadong sumailalim sa trial ng Molnuparivir ang mga symptomatic patients na nagpositibo sa nakalipas na 5 araw, may edad 18 taong gulang at hindi pa nabakunahan.

Bukas din ang trial o pagsusuri sa mga may risk factors at comorbidities tulad ng diabetes, cancer, at sakit sa kidney at puso.

Nagpahayag naman ang Department of Health (DOH) na bukas pa rin ito sa mga trials at subukan ang naturang mga bagong intervention para tumulong sa paggamot sa mga pasyenteng may COVID-19 sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top