Connect with us

Isang mayoral candidate ng Mountain Province, nahulian ng higit 2-M halaga ng marijuana

Regional

Isang mayoral candidate ng Mountain Province, nahulian ng higit 2-M halaga ng marijuana

Timbog sa isang checkpoint ang mayoral candidate ng Sadanga Moutain Province na si Sonny Kalaw at 4 pang kasamahan nito.

Sa pangunguna ng joint operation ng PDEA Regional office-Cordillera Administrative Region (CAR) sa ilalim ng superbisyon ni Director Gil Cesario Castro.

Nahuli sa isang checkpoint ang dating police officer at ngayo’y mayoral candidate ng Sabangan, Mountain Province .

Nakumpiska sa suspek ang hindi bababa sa P2 milyon halaga ng marijuana na nasa loob ng black Toyota hi ace Grandia.

Nasa 19 na bricks ng pinatuyong Marijuana ang narekober kay Kalaw.

No description available.

Arestado din ang apat pa nitong kasamahan.

May be an image of one or more people and text that says '------------------- KALAW, SONNY KIDIT 9165 SADANGA MPS OCTOBER 2021 SANSANO, JERIC Y ARZADON R.A9165 ABELLA, JONATHAN YFOMANOS DAMASO, SAMSONY AMILING SADANGA MPS OCTOBER ,2021 2021 LINSANGAN, JAKE BULUSAN VIOLATIONO SADANGA MPS OCTOBER 2021 FUBU NYC DIWAY, DARIO DI-WIAN VIOLATION SADANGA MPS OCTOBER 2021 EYAWON, JORGE TUMALDONG VIOLATIONO 9165 SADANGA MPS OCTOBER1 2021'

PHOTO COURTESY: PNPMTPROVINCEPIO

Kasunod nito, personal na nanawagan si PDEA Director General Wilkins Villanueva sa publiko na huwag iboto ang mga kandidatong may bahid ng katiwalian.

Partikular na tinukoy ng hepe ang pagkakasangkot ng mga politiko sa iligal na droga.

Aniya, ang mga ganitong gawain ay hindi karapat dapat sa boto ng mga Pilipino kung mainam aniya na magmasid at maging waist ngayong panahon ng halalan.

“Dismiss candidates who are involved in illegal drug activities. They do not deserve your votes. We urge the voting public to choose wisely our next leaders.”

Bukod dito, tiniyak din ni Villanueva ang pagbabalik ng mga datihan nang kandidato na may kinalaman sa malawak na kalakalan ng iligal na droga sa kanilang mga lugar.

Bagay aniya na dapat hindi na rin ito dapat na iluklok sa pwesto upang hindi na magpatuloy ang paglaganap ng illegal drugs lalo na sa mga komunidad sa bansa.

Saad pa ni Gen. Wilkins Villanueva, “Your vote is precious and please treat it that way. If we want to attain drug-free communities, we should opt for leaders who genuinely defend the nation from illegal drugs.”

Para sa ilang botante, pabor sila sa nasabing mungkahi.

Anila, natuto na sila ngayon lalo pa’t una na itong naging programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

More in Regional

Latest News

To Top