Connect with us

Isang kongresista, umalma matapos tanggalan ng komite

Muling tinanggalan ng komite si Anakalusugan Representative Mike Defensor.

National News

Isang kongresista, umalma matapos tanggalan ng komite

Umalma si Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa pamamahala ni House Speaker Lord Allan Velasco matapos itong tanggalan ng komite kahapon.

Si Defensor ang dating chairman ng House Comittee on Public Accounts na ngayon ay ibinigay sa isa ring partylist Representative.

Pahayag ni Defensor na hindi man lang siya naabisuhan sa hakbang  ng liderato.

Katunayan, may pagkakataon si Speaker Velasco na sabihan siya na isuko niya ang  kaniyang komite nang magkaroon sila ng pagpupulong kamakailan.

Sinabi ni Defensor, “I would not have resisted if he had asked me to give up the position as I have said in the past.”

Nauna nang sinabi ni Defensor sa SMNI News na walang katiyakan ang kaniyang pananatili bilang chairman ng public accounts dahil siya ay identified na kaalyado ni dating Speaker Cayetano.

Ang public accounts committee ay katuwang ang blue ribbon committee na dalawang mahahalagang komite na nag-iimbestiga sa mga kakulangan sa ahensya at opisyal ng pamahalaan.

Katuwang din ni Defensor ang dating blue ribbon committee chairman na si Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado na tumututok sa imbestigasyon sa isyu ng Meralco, ABS-CBN franchise, problema sa suplay ng tubig at ang TELCO.

Sa ngayon ay 32 na ang deputy speaker sa Kamara matapos iniluklok ang  dalawa sa puwesto kahapon.

Inihalal bilang bagong Deputy Speaker sina Davao Rep. Isidro Ungab at Cavite Rep. Bambol Tolentino.

Pinalitan naman ni Ako-Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin si Deputy Speaker Rufus Rodriguez bilang chairman ng House Committee on Constitutional Reforms.

More in National News

Latest News

To Top