Connect with us

Isang grupo ng U.S. Marine, hindi pinayagang makalabas ng bansa

U.S. Marine

National News

Isang grupo ng U.S. Marine, hindi pinayagang makalabas ng bansa

NAKUMPISKAHAN ng mga bala ang isang U.S. Marine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Hindi pinayagan ng airport authorities na makalabas ng bansa ang isang grupo ng U.S. Marines.

Dahil hindi dineklara ng isa sa kanilang miyembro na kinilalang si Daniel Barlow ang mga dala nitong bala ng baril.

Nadiskubre ito ng Office of Transportation Security personnel sa kasagsagan ng x-ray screening sa departure area ng NAIA Terminal 3.

Nagresulta ito sa kumpiskasyon ng labimpitong magazines at animnapung live ammunitions kay Barlow.

Paliwanag ng airport authorities, kinailangan nilang kumpiskahin ang mga bala dahil hindi ito deklarado.

Nagmula ang mga sundalong Amerikano sa Mindanao at nakatakda sanang tumulak sa Tokyo, Japan lulan ng isang Delta Airlines flight.

Nangyari ito kaninang pasado alas-nueve ng umaga.

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top