Connect with us

IRR ng Anti-Terrorism Act, ipapadala sa Kongreso para maging ganap na batas

Inihahanda na ng Anti-Terrorism Council ang mga kopya ng binuong Implementing Rules and Regulations o IRR ng Anti-Terrorism Act para ipadala sa Kongreso at sa mga law enforcement agencies.

National News

Kasabay nito ay ilalathala muna ang detalye ng IRR sa internet at sa mga pahayagan na mayroong general circulation, matapos namang inaprubahan ng Anti-Terrorism Council ang nasabing IRR ng Anti-Terrorism Act.

Ipinaliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na noon pang July 18 nagkabisa ang Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act pero ngayon lang nailabas ang IRR nito.

Sa kasalukuyan ay nakabinbin pa rin sa Korte Suprema ang mga petisyon na kumukwestyon sa ligalidad ng Anti-Terror Law.

Ang Anti-Terrorism Council ay may mga miyembro mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na pinamumunuan ng Department of Justice.

More in National News

To Top