Connect with us

IRR ng Anti-Terror Law, sisimulan ng talakayin ng DOJ

National News

IRR ng Anti-Terror Law, sisimulan ng talakayin ng DOJ

Sisimulan na ng mga opisyal ng Department of Justice (DOJ) na talakayin ang implementing rules and regulations (IRR) ng Anti-Terror Act.

Ayon kay DOJ Sec. Menardo Guevarra, tutukuyin ng team mula Office of the President at secretariat ng Anti-Terrorism Council ang mga probisyon ng batas na kailangan ng IRR.

Nakasaad sa batas na kailangang matapos ang IRR sa loob ng 90 araw simula ng ito ay maging epektibo.

Sinabi ni Guevarra na naging epektibo ang batas noong hatinggabi ng Hulyo 18 na ika-15 araw makaraang ilathala ito sa opisyal na gazete website ng pamahalaan noong Hulyo 3.

Kasalukuyan namang may 14 na petisyon ang naisampa sa Korte Suprema mula sa ibat-ibang sektor at organisasyon  na humihiling na maglabas ng TRO sa batas at ideklara itong labag sa batas.

More in National News

To Top