Connect with us

Internet connection sa bawat barangay, itinutulak ng isang mambabatas

Iginiit Senador Win Gatchalian na dapat maabot ng internet ang bawat barangay para mawakasan ang “digital divide” sa bansa.

National News

Internet connection sa bawat barangay, itinutulak ng isang mambabatas

Iginiit ni Senador Win Gatchalian na dapat maabot ng internet ang bawat barangay para mawakasan ang “digital divide” sa bansa.

Una sa mga ipinayo ni Gatchalian ay tayuan ng cell site ang mga paaralan para matiyak na ang bawat barangay ay makakasagap ng internet connection.

Sa bawat baranggay naman aniya ay may mga malapit na paaralan.

Ayon pa kay Gatchalian na siyang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, may oportunidad ang bansa na mabigyan ng internet ang bawat Pilipino.

Ito ay dahil sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Republic Act 11494) o Bayanihan 2, suspendido sa loob ng tatlong taon ang ilang mga requirements sa pagpapatayo ng cell towers, maliban sa building permit.

Balak naman ng Senador na maghain ng panukalang batas para mabigyan ng internet allowance at libreng laptop ang bawat mag-aaral.

More in National News

Latest News

To Top