Connect with us

International cruise terminal sa Legazpi City, itatayo na ng DPWH

Itatayo na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang International cruise terminal sa tinaguriang "Gateway City of Bicol" sa lungsod ng Legazpi.

National News

International cruise terminal sa Legazpi City, itatayo na ng DPWH

Itatayo na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang International cruise terminal sa tinaguriang “Gateway City of Bicol” sa lungsod ng Legazpi.

Papangunahan ni DPWH Secretary Mark Villar ang groundbreaking ceremony.

Ang kabuoan ng proyekto ay tinatayang nagkakahalaga ng P920 milyong na kukunin sa Regular Infrastructure Program ng DPWH na itatayo sa kahabaan ng Legazpi Boulevard sa harapan ng Sawangan Park.

No description available.

Sinimulan na ang paggawa ng embankment  at slope protection structure sa cruise terminal na nasa 64.34 % nang tapos.

Layon ng naturang proyekto na mapabuti at mapaganda ang turismo sa Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagbubukas sa Bicol Region bilang isang international cruising destination.

No description available.

Layon din nito na mabigyan ng oportunidad at mga trabaho ang mga libo-libong residente ng Legazpi at karatig lalawigan na lubhang naapektuhan ng pandemya.

More in National News

Latest News

To Top