Connect with us

Indigenous people, naging target ng makakaliwang grupo sa nagdaang dalawang taon

Indigenous people ang target ng mga makakaliwang grupo nitong nagdaang dalawang taon.

National News

Indigenous people, naging target ng makakaliwang grupo sa nagdaang dalawang taon

Indigenous people ang target ng mga makakaliwang grupo nitong nagdaang dalawang taon.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sinabi nito na nagtatayo ng mga paaralan ang makakaliwa at dito tinuturuan ang mga kabataan sa doktrina nila.

May mga testigo pa ani Lorenzana na ang kinakantang National Anthem at hindi sa Pilipinas kundi yung anthem na ng mga terorista.

Tinuturuan din na bumaril ang mga kabataan sa mga paaralang pinatayo ng mga makakaliwang grupo.

Subalit nilinaw naman ni Sec. Lorenzana na nagpapatuloy parin silang humihikayat sa makakaliwang grupo na mag-surrender na at tiniyak pa nito na sa oras na mag-surrender sila ay may full protection sila ng mga pulis at sundalo.

Ibinahagi naman ni Sec. Lorenzana na madali lang ang proseso kung sakaling sila ay magbalik- loob sa pamahalaan.

Ani pa Lorenzana, kayang- kayang tapusin ng Duterte Administration ang pagsawata ng makakaliwang grupo basta’t patuloy na magpupursigi ang tropa ng pamahalaan at budget para sa pagsuporta ng mga surrenderees.

Simula 2018, mahigit 30,000 na ang nagbalik loob na sa pamahalaan mula sa makakaliwang grupo.

 

More in National News

Latest News

To Top