Connect with us

Indian o Delta variant, 40% na mas nakahahawa kumpara sa UK o Alpha variant

Indian o Delta variant, 40% na mas nakahahawa kumpara sa UK o Alpha variant

International News

Indian o Delta variant, 40% na mas nakahahawa kumpara sa UK o Alpha variant

Tinatayang 40% na mas nakahahawa ang Delta o Indian variant ng COVID-19 kumpara sa Alpha o UK variant nito.

Ito ang sinabi ni Britain Health Secretary Matt Hancock noong Linggo batay na rin sa inilabas na datos ng Sage – ang government body of scientifica advisors ng UK.

Batay sa public health England figures, ang Delta o Indian variant na ang dominant strain ngayon sa UK kumpara sa Alpha o Uk variant na nananalasa sa kanila noong Enero.

Kaugnay nito, ipinunto ni Hancock na mas epektibo pa rin ang double vaccination kumpara sa isang bakuna lamang laban sa Kent at Delta variants ng COVID-19.

Pinag-iisipan naman ng UK ang pagbabakuna sa mga kabataang 12 taong gulang pababa na pinaniniwalaang may malaking papel sa pagkalat ng virus.

Continue Reading
You may also like...

More in International News

Latest News

To Top