Connect with us

India variant, itinuring ng WHO bilang variant of global concern

Inanunsyo ng World Health Organization (WHO) na nakalista na bilang variant of global concern ang India variant.

National News

India variant, itinuring ng WHO bilang variant of global concern

Inanunsyo ng World Health Organization (WHO) na nakalista na bilang variant of global concern ang India variant.

Ayon kay Dr. Maria Van Kerkhove, isang American infectious disease epidemiologist, ipinapakita rin sa preliminary studies na mas madali ring kumalat ang naturang variant.

Ang B.1.617 o Indian variant ang ikaapat na na variant ng COVID-19 na kinilala bilang global concern at nangangailangan ng mas maiging tracking at analysis.

Saad ng WHO, unang natuklasan ang predominant lineage ng naturang variant sa India noong Disyembre ng nakaraang taon, kahit ang unang bersyon nito ay nakita na noong Oktubre 2020.

Sa kasalukuyan, dalawampu’t isang bansa na ang may B.1.617 variant kabilang na ang United Kingdom, United States, at Singapore.

Maraming bansa na rin ang nag-implementa ng travel ban sa India kasama na ang Pilipinas.

Nitong Biyernes lang, pinalawig pa ng pamahalaan ang travel ban sa Bangladesh, Sri Lanka, Pakistan at Nepal.

More in National News

Latest News

To Top