Connect with us

Imbestigasyon sa umano’y kurapsyon sa Philhealth, aarangkada na sa Senado

kurapsyon sa Philhealth

National News

Imbestigasyon sa umano’y kurapsyon sa Philhealth, aarangkada na sa Senado

Aarangkada na ang imbestigasyon sa Senado patungkol sa umano’y talamak na korapsyon sa PhilHealth.

Kanina sa pagbubukas ng sesyon sa Senado ay inadopt ng mga mambabatas ang  resolution no. 475 para sa gagawing imbestigasyon ng committee as a whole hinggil sa nasabing issue.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, tiwala siya na sa pagsulpot ng tatlong testigo mula sa loob ng Philhealth ay tuluyan ng masasagot kung bakit hindi pa rin matapos-tapos ang isyu ng korapsyon sa loob ng ahensya.

Isa nga sa mga tatayong testigo ay ang Anti Legal Fraud Officer na si Thorrsson Montes Keith na sinasabing nagbitiw sa pwesto dahil sa talamak na katiwalian sa ahensiya.

Naniniwala naman si Senator Bong Go na sa mga empleyadong nasa mababang posisyon nag-uugat ang problemang korupsyon sa ahensya.

Paliwanag nito, ilang beses ng ni-revamp ang mga board members o top officials ng Philhealth pero nagpapatuloy pa rin ang mga anomalya.

Nanatili namang tiwala si Go sa integridad ni Philhealth Chief Ricardo Morales, pero aniya kailangang alam nito ang galaw ng kaniyang mga nasasakupan.

Retired Brigadier General is PhilHealth's New President and CEO ...

Ayaw naman ni Sotto na agad husgahan si Morales hangga’t hindi pa nagsisimula ang imbestigasyon ng Senado sa  Philhealth.

Sinabi naman ni Sotto na sa susunod na linggo, pinakamainam ang araw ng Lunes para simulan ang imbestigasyon sa Philhealth.

More in National News

Latest News

To Top