Connect with us

Imbestigasyon sa land title ng ABS-CBN compound sa QC, aarangkada na

Aarangkada na sa susunod na linggo ang imbestigasyon ng House Committee on Justice laban sa property ng ABS-CBN sa Mother Ignacia, Quezon City.

National News

Imbestigasyon sa land title ng ABS-CBN compound sa QC, aarangkada na

Aarangkada na sa susunod na linggo ang imbestigasyon ng House Committee on Justice laban sa property ng ABS-CBN sa Mother Ignacia, Quezon City.

Ito ay batay sa naka-post na schedule ng house of representatives sa kanilang website.

September 23, araw ng Miyerkules sa susunod na linggo ang nakatakdang imbestigasyon.

Ang imbestigasyon ay resulta ng technical working group (TWG) report na binuo ng house committee on legislative franchises matapos ibasura ang aplikasyon ng franchise network.

Nag- ugat ang imbestigasyon matapos ihain ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang house resolution 1058 para imbestigahan ang authenticity ng land titles ng ABS- CBN.

Ang isyu sa land title ay unang naungkat sa ABS-CBN hearings noong Mayo.

Pahayag ni Marcoleta, “Essentially, siyempre gusto nating matanong sila at sila mismo ang magpatunay kung ano ang mga hawak nilang ebidensya para mapatunayan na yung title na kanilang hawak ay totoo, valid and legitimate.”

” Inaasahan ko na nandoon ang mga ahensya ng pamahalaan na makakatulong namin para e determine yung validity ng title nila.”

More in National News

To Top