imbestigasyon Kamara ABS-CBN franchise

Imbestigasyon ng Kamara sa umano’y mga paglabag ng ABS-CBN, basehan para sa franchise renewal nito

National News

Posibleng maging basehan ng Kamara ang magiging resulta ng imbestigasyon sa mga umano’y paglabag ng ABS-CBN Corporation. Ito ay kaugnay sa franchise renewal ng Kapamilya Network.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Congressman Eric Go Yap, dapat nang matapos ang mga isyung ipinupukol laban sa kumpanya.

Kasama sina Davao City Representative at Presidential son Paolo Duterte at Cavite Rep Abraham Tolentino sa naghain ng resolusyon.

Nakasaad sa House Resolution No. 853 ang “probable franchise violations” ng kumpanya. Kasama na sa mga isyung ito ang iligal na paniningil sa Kapamilya Box Office gamit ang TV Plus.

Paglabag din umano ang pagbibigay ng ABS CBN ng Philippine Depository Receipts (PDRs) sa mga non-Filipino citizens sa kanilang ABS-CBN Holdings.

Kabilang din sa iimbestigahan ang mga labor issues ng kumpanya.

Ayon kay Yap, may mga testigo silang hawak na gustong magsalita sa hearing.

“Kasi kung sakaling ang mga allegations na ito ay mali, magkakaroon po sila ng chance. Maipapakita na mali yung mga allegations against them. At yung mga labor cases nila sa tingin ko Sir Mike kasi, yung 35 ka tao na lumapit sa amin ay mukhang hindi naman nagsisinungaling at sila ay willing pumunta sa hearing. At eto naman po ang gusto lang nila ay mabayan po sila noong matagal na po nilang kini- claim.”