Connect with us

Imbestigasyon kaugnay sa mga Troll farms, ikinasa sa Senado

Lumagda ng resolusyon ang 12 senador para ikasa ang imbestigasyon kaugnay ng mga troll farms.

National News

Imbestigasyon kaugnay sa mga Troll farms, ikinasa sa Senado

Lumagda ng resolusyon ang 12 senador para ikasa ang imbestigasyon kaugnay ng mga troll farms.

Ito ay kasunod ng pagka-alarma nila sa paglaganap ng troll farms ngayong nalalapit na ang 2022 elections.

Mekanismo raw kasi ito para makapagpakalat ng mga fake news o mga  pekeng balita sa social media tulad ng Twitter, Facebook at Reddit para siraan ang mga kandidatong tatakbo sa darating na halalan.

Inililihis din daw ng mga troll farms ang publiko sa mga isyung dapat mas pagtuunan ng pansin.

Kasama sa 12 senador sina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Minority Leader Franklin Drilon, and Senators Nancy Binay, Leila de Lima, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Panfilo Lacson,Francis Pangilinan, Joel Villanueva at Sen. Manny Pacquaio ang lumagda sa Senate Resolution No. 768 para ikasa ang pagdinig hinggil dito.

Nakasaad sa reso na ang mga troll farm ay gumagawa ng pekeng social media accounts para mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan at makaiwas sa batas.

Dahil dito, ayon sa mga senador hindi ito dapat balewalain dahil ang lahat ng Pilipino ngayon ay may access sa mga nasabing social media sites at maaring mabiktima ng fake news.

Ayon kay Sen. Joel Villanueva, ang pagpapalaganap ng mis information o hindi tamang balita ay maaring makapagdulot ng seryosong panganib sa isang kandidato.

Ayon kay Sen. Joel Villanueva,”Organized trolls are weapons of mass distraction. The seeds of falsehood they plant ripen into hate ready to be harvested by those who are harmed by the truth,”

Hamon ni Villanueva sa iba’t ibang political party na idenounce ang mga troll farms.

“All political groups should commit to a troll disarmament,”

“Democracy can only flourish under the free and frank exchange of ideas, that may clash as they often should, but always must be anchored on facts,”saad ni Villanueva.

Matatandaan naman na una ng sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na aktibo na ngayon ang troll farms na pinangasisiwaan daw ng isang undersecretary na kung saan ay target daw nito ang mga kandidatong posibleng makalaban ng Duterte Admin.

Nakasaad sa reso na aalamin ang ulat na nagagamit ang pondo ng bayan para sa paglilikha ng troll farms or troll operators na nagdidisguise bilang public relations practitioners at social media consultants na siyang nagpapalagana ng fake news.

Sinabi naman ni Sen.Kiko Pangilinan na hindi maaring hayaan na gamitin ang pera ng taumbayan para manira at mang-harass ng mga taong pumupuna sa gobyerno.

Ani Pangilinan,”Masama ito sa demokrasya, lalo na sa papalapit na halalan sa susunod na taon”

Una namang sinabi ni Palace Spokesperson Harry Roque na hindi polisiya ng gobyerno ang pagtatayo ng Troll farms.

More in National News

Latest News

To Top