Connect with us

Ilocos Norte, bukas na muli sa mga turista mula Luzon

Binuksan nang muli ang Ilocos Norte para sa mga turista mula sa Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Regional

Ilocos Norte, bukas na muli sa mga turista mula Luzon

Binuksan nang muli ang Ilocos Norte para sa mga turista mula sa Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Sa abiso ng local tourism office ng lalawigan, papayagan nang muli na makapasok ng probinsya ang mga turista mula sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ) at modified GCQ sa Luzon.

Kinakailangan lamang ay tatalima ang mga ito sa requirement ng LGU alinsunod sa minimum health protocols tulad ng pagrehistro sa safepass website para sa posibleng contact tracing.

Required din ang mga turista na makigpag-ugnayan sa travel operators sa lugar na accredited ng Department of Tourism (DOT) upang matiyak na organisado ang transportasyon, accomodation at itinerary ng mga ito.

Lilimitahan naman sa 50 turista kada araw ang tatanggapin sa Ilocos Norte.

More in Regional

To Top