Connect with us

Iligal na pagsasakay ng indibidwal papasok sa NCR plus area, pinatitigil – DOTr

Ipinanawagan ng Department of Transportation (DOTr) sa mga law enforcement agencies, sektor ng transportasyon at mga lokal na pamahalaan na itigil na ang “COVID-19  smuggling.’

National News

Iligal na pagsasakay ng indibidwal papasok sa NCR plus area, pinatitigil – DOTr

Ipinanawagan ng Department of Transportation (DOTr) sa mga law enforcement agencies, sektor ng transportasyon at mga lokal na pamahalaan na ipatigil at bantayan ang nangyayaring “COVID-19  smuggling.’

Ang COVID-19 smuggling ay kinasasangkutan ng mga trucking companies at mga colorum vehicles na iligal na nagsasakay ng mga indibidwal na hindi sumailalim sa COVID-19 testing papasok ng National Capital Region (NCR) plus quarantine bubble.

Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na napag-alaman nitong ang mga closed van at truck ay iligal na nagpapasok ng mga tao sa borders ng Metro Manila kapalit ng pera.

Ang operasyong ito ani Tugade ang isa sa nagsasanhi ng transmission ng COVID-19.

Iginiit ni Tugade na dapat itong mapahinto dahil maaapektuhan nito ang buong bansa at lahat ng kanilang pagod sa testing, isolation at treatment ay masasayang dahil dito.

More in National News

Latest News

To Top