Connect with us

Ilang senador, nais buwagin at palitan ang mga namumuno sa IATF

Naniniwala ang ilang senador na mas mainam na buwagin at palitan ngayon ang mga kasakuluyang namumuno sa Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

National News

Ilang senador, nais buwagin at palitan ang mga namumuno sa IATF

Naniniwala ang ilang senador na mas mainam na buwagin at palitan ngayon ang mga kasakuluyang namumuno sa Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Sinabi ni Sen. Imee Marcos na palpak at wala namang nangyari sa isang taong pamamahala ng IATF sa COVID response ng bansa.

Tulad ni Sen. Lacson,  ay naghahanap rin si Sen. Imee Marcos kung saan na ang bakuna na kailangan ngayon ng mga Pilipino.

Ayon kay Marcos, mas mainam na mga doktor, immunologist o health expert ang bumuo ng IATF.

Si NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at  Testing Czar Vince Dizon ay hindi naman mga doktor.

Suportado naman ni Senate President Tito Sotto III ang rekomendasyon ni Senador Imee Marcos.

Sa halip daw kasi na pababa ang COVID-19 cases dahil sa pagdating ng bakuna ay iba ang tinatahak na direksyon ngayon ng pandemya sa bansa.

Sa mga nakalipas na araw, batay sa ipinalabas na datos ng Department of Health (DOH) ay pumapalo sa mahigit 7,000 ang kaso kada araw.

Ayon pa kay Sotto, tulad ng sinabi ni Marcos ay mas mainam na hawakan ng mga magagaling na health experts ang posisyon sa IATF.

Sakabila nito ay sinabi ni Sotto na ang patuloy na paglala ng kalagayan ng bansa sa gitna ng pandemya ay hindi lamang dahil sa IATF.

Hindi raw kasi kagaya ng ibang bansa, ang mga Pilipino sa halip na sumunod sa ipinatutupad na lockdown at iba pang health protocol ay reklamo ang ginagawa ng mga ito.

More in National News

Latest News

To Top