Connect with us

Ilang sample ng processed meat products, nagpositibo sa ASF – DA

Kinumpirma ng Department of Agriculture na ilang sample ng hindi pinangalanang brand ng processed meat products ang nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).

National News

Ilang sample ng processed meat products, nagpositibo sa ASF – DA

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ang ilang sample ng hindi pinangalanang brand ng processed meat products, ang nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, kabilang sa mga item na ito ay hotdog, tocino, at longganisa na dala ng isang indibwal na papuntang Mindoro mula Central Luzon.

Ani Reyes, nakumpiska na at nailibing na ang mga nakumpiskang produkto.

Ipinag-utos na rin aniya ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa mga kumpanya na alisin ang kanilang pork products mula sa merkado.

Dagdag pa ni Reyes, tanging ang NMIS at Bureau of Animal Industry (BAI) lamang ang maaring maglabas ng pangalan ng brand ng mga nasabing prodrukto.

Makikipag-ugnayan din aniya ang dalawang ahensya sa local government para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa meat processor.

Una nang lumabas sa social media ang ulat ng BAI ukol sa ASF-positive meat products ngunit itinago dito ang pangalan ng manufacturer.

More in National News

Latest News

To Top