Connect with us

Ilang mga negosyante, naglalaan ng mga “pampadulas” sa mga gov’t agencies – ARTA

photo for representation

National News

Ilang mga negosyante, naglalaan ng mga “pampadulas” sa mga gov’t agencies – ARTA

Ibinunyag ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na may mga negosyanteng naglalaaan ng kaukulang budget para ipambayad nila sa mga “taga-ayos” o fixers  na insider sa isang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay ARTA Executive Director Atty. Jeremiah Belgica, maituturing na itong pakikipag-sabwatan dahilan upang hindi rin masugpo ang red tape sa isang tanggapan ng gobyerno.

Sinabi ni Belgica na ang budget allocation ng ilang mga business owners ay sadyang pinondohan upang mapabilis ang ginagawa nilang transaksiyon sa isang government agency.

Babala ni Belgica sa mga negosyante na gumagawa na sila ng kaukulang hakbang para sila ay masuspinde.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa PRC at sa Integrated Bar of the Philippines laban sa mga tiwaling opisyal na nakikipag-sabwatan sa mga tiwali ring kawani at opisyales ng pamahalaan.

 

*Larawan mula sa Shuttercock

More in National News

Latest News

To Top